MANILA, Philippines - Mag-uunahan ngayon ang dating kampeon na Batangas Bulls at Manila Sharks sa mahalagang 1-0 kalamangan sa pagsisimula ng Baseball Philippines Series V Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Itinakda bandang alas-10:30 ng umaga ang unang pagkikita nila sa best-of-three final series ng ligang inorganisa ng Community Sports.
Nabigo ang Bulls na panga-lagaan ang 10-game winning streak nang yumuko sila sa Cebu, 1-6 sa panimula ng semifinals noong nakaraang Sabado at nakarating sa finals sa pamamagitan ng 8-1 panalo laban sa Dolphins noong Linggo.
Sa kabilang banda, kaila-ngan lamang ng Sharks ng isang panalo bunga ng hawak nilang twice-to-beat advantage para makapasok sa ikalawang Finals series makaraang igupo ang Alabang Tigers, 11-10.
At batay sa resulta ng kani-lang nagdaang paglalaban sa classification round mahigpit na pinapaboran ang Bulls kaysa sa Sharks.
Ang mananalo sa larong ito ay magkakaroon ng pagkakataon na selyuhan ang titulo sa susunod na Sabado, Hulyo 4. Kung magtatabla ang Game Three ay lalaruin sa Hulyo 5.