MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, na-ging pangunahing sandigan ng Red Lions ang matibay na depensa at opensa ng bagong saltang Kano na si Sudan Daniel.
Humugot ng lakas, mabilis na naikubra ng San Beda ang pambuwenamanong patikim sa pagsisimula ng 85th NCAA basketball tournament upang mabigyang diin ang intensyon nitong masunggaban ang four peat win.
”It’s a good feeling winning opening games, this is a statement to the other teams that we’re back and going for a four-peat,” ani mentor Frankie Lim.
Sa tulong ng 14 puntos na tinipa ni Bam Bam Gamalinda, naging madali para sa Red Lions ang pagdukot ng unang panalo sa liga at mapalakas ang kampanya para sa four peat bid nito.
Habang tumirada si Da-niel ng 13 points, 9 rebounds, 2 assists, 5 blocks sapat para hindi maramdaman ng koponan ang pagkawala ni Nigerian Sam Ekwe sa eksena at mapanatili ang malaking kalamangan kontra Mapua.
Samantala, nangungulila pa rin sa serbisyo nina 2007 Kelvin Dela Peña, Neil Pascual at Ian Mazo, matamlay na nakapag-ambag ng tig sampung puntos sina Mark Acosta at Paul Cinco para sa Cardinals.
Samantala, tulad nang tema ngayong taon, NCAA: Winning Drive @ 85, malinaw na naipahiwatig ng host na San Beda College ang mensahe nitong pagkakaisa sa pamamagitan ng isport.
Sa pinagsama-samang pwersa ng mananayaw ng kanya-kanyang unibersidad, na kinabibilangan ng aerial dance, naging makulay at matagumpay ang pagsisimula ng panibagong season ng pinakamatandang collegiate league.
“It was a fitting kickoff and a colorful preview of what is certain to be the biggest, brightest and most valuable amateur sports league season of all time,” masayang pahayag ni Fr. Mat de Jesus, OSB.
“Truly, this year’s NCAA will make its Winning Drive @ 85. And it will win, a victory and a success that we will collectively score because NCAA, the schools in it, and we, the people who love and support it,deserve nothing less,” dagdag pa nito.
Sa ikalawang laro, nalusutan ng Jose Rizal University ang Letran, 69-66.
Binanderahan ng Bombers, na natalo sa Lions noong nakaraang taong kampeonato, ni John Wilson sa kanyang kinanang 21 puntos at nag-ambag naman sina James Sena at Marvin Hayes ng 18 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod. (Sarie Nerine Francisco)