500 swimmers sali sa ASAP inter-school swimfest
MANILA, Philippines - Ang kabuuang bilang ng 500 na atleta mula sa 84 na eskwelahan ang masasaksihan sa maaksyong 1st annual ASAP interschool invitational Age Group Swimming Championships na gaganapin sa Rizal Memorial Sports Memorial Complex sa June 27-28.
Sa pangunguna ng University of the Philippines at University of the East, sasalubungin nila ang ibang unibersidad mula sa probinsya na sasali sa naturang palaro.
Samantala, para sa mga kinatawan ng probinsya, ang University of San Carlos ang mangangasiwa sa Visayas Integrated Schools Association, habang handa nang lumangoy ang tropang mula sa Pampanga na kinabibilangan ng Angeles University Foundation at Holy Angels.
Ito ang kauna-unahang ASAP interschool invitational Age-group Swimming Championships na tinuturing na una sa paglunsad ng serye ng kumpetisyon na inorganisa ng Aquatic Sports Association of the Philippines (ASAP).
"It's our coming out party," ani ni Ma. Luz Arzaga-Mendoza, ASAP president. "We are providing venues for young swimmers to develop their skills in a fun-filled environment that has been sorely missed in the local swimming community."
Positibo sa kahihinatnan ng programa, naniniwala si Mendoza na sa pamamagitan ng torneong ito ay maiaahon nila ang naturang larangan upang lalo itong mapaglinang.
"We're giving swimming a fresh start," pahayag ni Mendoza. "We want to bring back swimming clubs together again in an atmosphere of fun and friendly competition that has characterized Philippine swimming.
Upang lalong mapagyaman ang talento sa swimming, isa pang event ang nakakalendaryo ngayong taon na kinabibilanagn ng ‘Pasiklaban Swim Meet’ sa July 25 to 26, isang invitational competition sa Angeles City na eeksena sa Agosto 29-30, na susundan ng isa pang age-group invitational sa Ultra sa Setyembre, at sa huling bahagi ng taon, isang kumpetisyon pa ang nakalinya. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending