Ramos, nanindigan sa pagkapangulo ng badminton
MANILA, Philippines – Sa kabila ng malakas na pagtutol ng nakararami at suportang tinamo mula sa Philippine Olympic Committee, nanindigan si dating First Lady Amelita “Ming’ Ramos bilang Pangulo ng Philippine Badminton Association.
Eksperyensyado sa naturang isport, nanindigan ang dating badminton champ ng UP na hanggang sa ngayon, siya ang kinikilala ng International Badminton Federation bilang lider ng PBA.
Ayon pa sa kanya isang mahalagang bagay ang pagkilalang ito sa bawat national sport association.
Sa kabila ng matinding gitgitan sa pwesto nila ni dating national coach Erol Chan, nani-niwala si Ramos na matibay ang kanyang sandigan sa Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni chairman Harry Angpin.
Bukod dito, tinulungan rin ng PSC ang foreign flavoured Philippine Open Bingo Bonanza Badminton Championships na magsisimulang umaksyon sa Martes sa PhilSports Arena.
Dahil sa alitan para sa pinakamataas na posisyon, nananatiling may paksyon ang asosasyon kung saan dalawang grupo ang naglalaban para sa iisang hangarin. (SNF)
- Latest
- Trending