^

PSN Palaro

Caguioa, sa Philippine Cup pa lalaro

-

MANILA, Philippines - Sa 2009 PBA Philippine Cup na maaaring makita sa basketball court si Mark Caguioa para sa Barangay Ginebra.

Ayon kay head coach Jong Uichico, mas pinili niyang iupo ang 6-foot-1 na si Caguioa sa nakaraang Philippine Cup na pinagharian ng Talk 'N Text at sa kasalukuyang 2009 PBA Fiesta Conference para pagalingin nang husto ang tendinitis nito sa magkabilang tuhod.

"Malaking possibility 'yon that's why we did not force him anymore to play this conference," wika ni Uichico kahapon. "He will be 100 percent ready for the next All-Filipino Cup."

Sumailalim ang 2001 PBA Rookie of the Year (ROY) awardee sa isang operasyon sa Kerlan-Jobe Orthopedic Clinic sa Los Angeles, California

Sa kanyang paggiya sa Gin Kings sa korona ng 2008 PBA Fiesta Conference kontra Air21, ngayon ay Burger King, nagposte ang tubong Vergara, Mandaluyong ng averages na 19.8 puntos sa ilalim nina James Yap (21.3) ng Pure-foods at Willie Miller (20.7) ng Alaska.

Bumalik sa bansa si Caguioa noong Huwebes kung saan niya sinaksihan ang panalo ng Ginebra sa Rain or Shine sa Game 2 ng kanilang semifinals series noong Biyernes sa Cune-ta Astrodome sa Pasay City.

"He's here now tapos he will continue his rehab here and go back in the States na naman para maging ready na siya sa All-Filipino Cup," sabi ni Uichico kay "The Spark".

Sa kabila ng katagalan ng hindi paglalaro ni Caguioa, wala pa rin sa isipan ng management na ilagay sa 'trading block' ang produkto ng Glendale Community College.

"Mark is a vital part of the team," ani Uichico kay Caguioa, ang leading scorer ng Gin Kings simula noong 2007 hanggang 2008. "We have no thoughts of entertaining any trade." (Russell Cadayona)

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

CAGUIOA

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

GLENDALE COMMUNITY COLLEGE

PHILIPPINE CUP

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with