^

PSN Palaro

Moorer sinibak ni Roach

-

MANILA, Philippines - Tapos na ang maliligayang araw ni dating world heavyweight champion Michael Moorer sa Wildcard Boxing Gym ni Freddie Roach sa Hollywood, California.

Ipinahayag kahapon ni Roach ang pagsibak niya sa 36-anyos na si Moorer bilang assistant trainer bunga na rin ng hindi nila pagkakaunawaan at ang reklamo ng ilan niyang boxers at trainers.

Isa sa mga fighters ng 49-anyos na si Roach na nagsumbong sa kanya ay si Briton lightweight Amir Khan.

“Amir Khan approached me and said; Freddie I want you to be my trainer, not Michael Moorer” wika ni Roach sa 22-anyos na si Khan na ilang beses ring naging sparmate ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.

Kinuha ni Roach si Moorer bilang assistant bago itayo ang training camp ni Pacquiao para sa laban nito kay Briton world light welterweight titlist Ricky Hatton.

Sa ilang pagkakataon niya habang wala si Roach, hinihingan ni Moorer ng bayad ang mga nagpupunta sa Wildcard bukod pa sa paninira sa three-time Trainer of the Year awardee.

Sinabi ni Moorer, naglista ng 52-4-1 win-loss-draw ring record kasama ang 40 KOs, na pinapauwi niya si Roach dahilan sa pagsumpong ng Parkinson’s disease nito.

Ito, ayon sa ilang insider sa Wildcard, ay hindi pa nangyari kahit minsan.

“After ng fight ni Manny kay Hatton talagang pinag-usapan na namin ‘yan na sibakin na sa Wildcard,” wika ni Filipino promoter Rex “Wakee” Salud na minsan na ring binastos ni Moorer. (Russell Cadayona)

AMIR KHAN

FREDDIE I

FREDDIE ROACH

MICHAEL MOORER

MOORER

RICKY HATTON

ROACH

RUSSELL CADAYONA

TRAINER OF THE YEAR

WILDCARD BOXING GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with