Mosley nagmamakaawa kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Shane Mosley na gusto niyang labanan si Manny Pacquiao at kung sino ang mananalo at haharapin naman ang magwawagi sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at Juan Manuel Marquez, na kamakailan lamang ay kinansela at pansamantalang itinakda sa Setyembre.
“Yeah, that is the perfect scenario. That’s the way it is supposed to happen in real boxing,” wika ng 38 anyos na si Mosley, ang WBA welterweight champion mula sa California, sa fighthype.com habang patuloy itong nagmamakaawa na makipaglaban kay Pacquiao.
“Malapit na lumuhod (Soon he’ll be on his knees),” wika ng adviser ni Pacquiao na si Wakee Salud. Sinabi ng Cebuano matchmaker na lahat na lang ay naghahabol kay Pacquiao dahil sa perang kanilang makakamit sa labansa Pinoy.
Praktikal na nilulon ni Mosley ang lahat para lamang makalaban si Pacquiao at inihayag pang payag siyang lumaban sa under 147 lbs, itaya ang kanyang belt at payag sa 40 percents ng kanyang kikitain. (Abac Cordero)
- Latest
- Trending