3rd JAL Run for a Cause

MANILA, Philippines - Masayang ibinalita ng Japan Airlines sa kooperasyon ng San Miguel Corporation at Pure Water ang pagtatanghal ng 3rd JAL Run for a Cause sa Hunyo 28 sa 8th Avenue ng Fort Bonifacio Global City sa Taguig.

Inaasahang may 1,500 runners na magmumula sa local JAL staff at mga kapartner, travel at cargo agents, hotels at corporate client ang lalahok. May nakalaang premyo ang ipamimigay sa mga magwawagi sa 3K at 5K male at female winners.

Ang karera ay magsisimula sa alas-6 ng umaga sa June 28 kung saan ang fun run na 3K ay tatahakin ang 26th St., Fifth Ave., 32nd St. at Mckinley Parkway. Ang 5K run naman ay sa 26th St., 5th Ave., 34th St., the British School Road, University Parkway at Mckinley Parkway. Ang simula at wakas ay sa 8th Avenue.

May registration fee na P200.00 kung saan ang kikitain ay pondo ng Medical Mission. Ang deadline ay sa June 25, 2009.

Show comments