MANILA, Philippines - Bilang partisipasyon sa pag-alala ng 115th founding ng Olympic Movement na nagsimula noong June 23, 1894 sa pagsusumikap ni Pierre de Coubertin, tinakda ang paglulunsad ng annual Olympic Day Run ngayon (June 21), sa Quirino Grandstand, Manila upang ipagdiwang ang naturang event.
Sa pamumuno ng Philippine Olympic Committee (POC) officials at National Sports Associations (NSAs), tatakbo para sa global event celebration ang mga atleta at mga estudyante sa tampok na 10km run, 3km fun run at 3km wheelaton upang ipakalat ang mass participation sa sports simula alas-6 ng umaga
Sa tulong ng Department of Tourism, Mayor Alfredo Lim ng Maynila, Mayor Peewee Trinidad ng Pasay, Mayor Jejomar Binay ng Makati, Unilever, Milo at wushu Official Julian Camacho, naging posible ang pagdaraos ng nasabing event.
Habang pinangangasiwaan naman ni POC spokesperson Joey Romasanta ang organizing team upang mapaganda ang selebrasyon. (Sarie Nerine Francisco)