^

PSN Palaro

Magpantay nanalasa

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang pananalasa ni Eliod Magpantay habang nanumbalik naman ang lakas ng kanyang batang kapatid at tournament favorite na si Jonas Magpantay matapos magposte ng tatlong sunod na panalo sa one-loss side para makabalik sa kontensiyon sa ikalawang araw ng first PAGCOR-Kabayan Bilyar Aralan 9-Ball Challenge sa Jaca Billiards Hall sa Recto Avenue, Manila.

Nagtala ng katulad na 5-4 tagumpay ang 17 anyos na si Eliod kina Jeffrey Dayaon at Angelo Marcelino para makasama ang mga wala pang talo na players na sina Lourjay Cardino, Eduard de Guzman, Ronald Cayetano, Allen Decena, Husly Jusayan, Elmer Ranara at giant killer Noel Araniel sa double elimination, race-to-5, alternate break format sa torneong hatid sa pakikipagtulungan nina Vice-President Noli “Kabayan” De Castro, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nanalo naman ang mas nakababatang Magpantay na si Jonas kay Christian Rivera via walk over victory, bago pinayuko sina Jesamine Ventura, 5-0, at J.D. Serdan, 5-2, ayon sa pagkakasunod sa torneong may nakalaan na P50,000 kabuuang pa-premyo.

ALLEN DECENA

ANGELO MARCELINO

BALL CHALLENGE

CHRISTIAN RIVERA

DE CASTRO

ELIOD MAGPANTAY

ELMER RANARA

HUSLY JUSAYAN

JACA BILLIARDS HALL

JEFFREY DAYAON

JESAMINE VENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with