^

PSN Palaro

Sharks, nasa finals na

-

MANILA, Philippines - Nalusutan ng second seed Manila Sharks ang mahaba at nakakapagod na bakbakan laban sa Alabang Tigers, 11-10, upang kunin ang unang upuan sa finals ng Baseball Philippines Series V Finals sa semifinals na tumagal ng 14 na innings sa Rizal Memorial Baseball Stadium, kahapon.

Nagpakitang-gilas sa pagpukol si Mick Natividad nang bokyain nito ang Tigers makaraan ang dalawang runs sa ikawalong innings at kumubra naman ng winning run si Ed Justo sa ikalimang pinalawig na inning.

Dahil sa tagumpay na ito, nakatuntong ang Manila sa Finals ng ligang inorganisa ng Community Sports Inc., at hintayin ang makakalaban sa magwawagi sa pagitan ng Batangas Bulls at Cebu Dolphins na kasalukuyang naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito. Hawak ng Dolphins ang twice-to-beat advantage.

Nakatuntong sa base ang lead off batter ng Sharks na si Justo sa error ni Andres Borromeo at umusad sa second sa pass ball ni Raymond Mariano.

Nakarating pa ng third sa fielder’s choice ni third baseman King Manay na tinangkang iputout ni Christian Galedo sa first base para sa napakahabang laro na umabot ng limang oras.

“Ang ipinaalala ko lamang sa kanila ay lamang tayo sa pitcher at one at a time lamang ang pagbangon namin. Masaya ako dahil maganda ang inilaro ni Natividad at gamble talaga ito sa amin dahil hindi na namin siya magagamit kung may deciding game,” wika ni Sharks playing team manager Jhoel Palanog.

Si Natividad ang ikatlong pitcher na ginamit ng Manila at siya’y pumasok sa sixth inning. Nagbigay siya ng dalawang runs at walo sa 16 hits ng Tigers pero dalawang hits lamang ang nangyari sa huling anim na innings ng sagupaan.

Kumana ng kabuuang 17 hits ang Sharks na sampu rito ay sa ikalima hanggang ikapitong innings nang maghabol at umabante pa ang koponan.

Bumanat ng double si   Edward Landicho at pinaiskor si Jarus Inobio bago umiskor din sa isang error upang itabla ang labanan sa 8-all. Tumapak si Natividad sa pamamagitan ng fielding error at umabante sa second sa palo ni Jose Bernardo Castro. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ALABANG TIGERS

ANDRES BORROMEO

BASEBALL PHILIPPINES SERIES V FINALS

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

CHRISTIAN GALEDO

COMMUNITY SPORTS INC

ED JUSTO

EDWARD LANDICHO

JARUS INOBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with