^

PSN Palaro

UP Pep squad tinalo ng Perpetual Help Perps

-

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, nagmarka ang kalamangan ng National Collegiate Athletic Association sa University Athetic Association of the Philippines matapos sikwatin ng Perpetual Help Perps ang panalo sa University of The Philippines Pep squad sa cheerdance competition na hatid ng Filoil at Flying V na dinaos sa San Juan City.

 Matapos makalikom ng 89 points, naibasura ng Perps ang tatak ng Diliman based cheer group na kumuha ng 87.67 points.

Samantala, humakot naman ng 79 points ang Jose Rizal U’s Pep squad na sumayaw para sa ikatlong pwesto na nagpasaya sa 85 year old NCAA na nagpamalas ng impresibong kumpetisyon.

 Isang malaking panalo ito para sa Perpetual Help, kung saan bigo silang lumapit sa tropeo makaraang talunin ng JRU sa huling season ng liga, matapos pagharian ng tatlong dikit na taon.

Sa kabilang dako, siniguro ni Perpetual Help representative Mike del Mundo sa NCAA Management Committee kahapon na ang kanilang mga manlalaro ay garantisadong swine flu free at handang handa na sa pagbubukas ng Season 85 na bubulaga sa Jun 27, sa Big Dome. Pinapurihan rin ni Del Mundo ang ga-ling na pinakita ng Perps laban sa UP.

Matinding determinasyon, at konsentrasyon sa sayaw ang inilapat ng bawat mananayaw para sunggaban ang malaking panalo para iuwi ang second cheer dance title, matapos magreyna sa National Cheerleading Competition. (Sarie Nerine Francisco)

BIG DOME

DEL MUNDO

FLYING V

JOSE RIZAL U

MANAGEMENT COMMITTEE

NATIONAL CHEERLEADING COMPETITION

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

PERPETUAL HELP

PERPETUAL HELP PERPS

PHILIPPINES PEP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with