^

PSN Palaro

LPGMA Tour qualifying papadyak

-

MANILA, Philippines - Magsisimula ng pumadyak para sa Liquefied Petroleum Gas Marketers Association Tour of Luzon qualifying series ng 2010 multi stage bikathon ang mga kalahok sa Linggo na magsisimula sa Macapagal Highway, Pasay City.

Sa kabuuan, 200 elite riders ang sasali sa malawakang kumpetisyon na tatakbo ng 80 kilometer, ang una sa apat na qualifying tournaments na hatid ng LPGMA sa 15-stage Liquigaz-LPGMA tour of Luzon sa susunod na taon.

Ayon sa pahayag ni LPGMA president, Arnel Ty, ang 100 siklista ay aabante sa Tour base sa ranking points na maitatala niya sa loob ng apat na qualifing events ngayong taon.

Suportado ng Tour of Luzon Bike & Café na pinamamahalaan ni two-time Tour champion Renato Dolosa, ang LPGMA qualifying event ay ang paunang pasiklab ng seven-day Liquigaz LPGMA Tour of Luzon noong Abril kung saan naghari si Mark Guevarra.

Ayon pa kay Ty, ang mga kalahok na elite riders ay papadyak sa mga susunod na qualifying races sa Tagaytay (Agosto), Sierra Madre (Oktubre) at Macapagal Highway (Disyembre) kung saan 100 siklista na may mataas na ranking ang uusad sa Tour proper.

Nabanggit rin ni Ty ang ideyang pagpapadala sa three local riders para mag-ensayo at matuto upang makakuha ng tiket sa roster ng Team Liquigaz sa Tour de France na nakatakdang umaksyon sa 2010.

Para kay Ty, nararapat obserbahan hanggang Disyembre ang performance nina Jeffrey Monton, Jackie Lloyd Berjame,Nico Barreto at Michael Ochoa.

“This is our chance to see a Filipino cyclist in the Tour de France. I hope one of these riders could make history by qualifying in the Liquigaz team,’’. (Sarie Nerine Francisco)

ARNEL TY

AYON

DISYEMBRE

JACKIE LLOYD BERJAME

JEFFREY MONTON

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION TOUR OF LUZON

LIQUIGAZ

MACAPAGAL HIGHWAY

TOUR

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with