^

PSN Palaro

Lady Stags nakauna sa Tigresses

-

MANILA, Philippines – Para sa paunang salpukan sa Finals, matapang na inangkin ng San Sebastian College ang Game 1 sa title showdown ng sixth Shakey’s V-League na ipiniprisinta ng Cherifer sa The Arena, San Juan City kahapon.

Nagposte ng straight set win, pinaamo ng Stags ang nakaka-sindak na Tigress, nang itala ang 25-17, 25-22, 25-19 panalo.

Sa matalinong diskarte, matatag na opensiba, mahigpit na depensa, naisulong ng Lady Stags ang unang panalo sa kanilang serye.

Bunga ng panalong ito, tila mauulit ang pinamalas na kabi-guan ng SSC sa UST sa nakaraang kumperensya.

Sinamantala ang momentum, pumalo ng double digit ouputs ang limang Stags para dominahin ang laban.

Tulad ng inaasahan, winalis ni Thai import Jaroensri Bualee ang Tigers sa pamamagitan ng 16 hits kabilang ang 15 spikes na marka, sapat para tanghalin syang top scorer sa liga.

Kumana rin ng umaatikabong 15 points sa quick play si No. 12 Rysabelle Devanadera, habang sumandig rin ang Stags kina Analyn Joy Benito, Suzanne Roces at Laurence Ann Latigay na may 12, 11, at 10 points tala, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa naunang laban, tumirada ang Adamson ng solidong opensa sa pamumuno ni Jill Gustilo para durugin ang Far Eastern University, 26-24, 25-17, 25-27, 25-19, para makalamang sa kanilang serye.

Sa nakasanayang average points ni Gustilo na 7 spikes mula sa elims, sinorpresa ang lahat nang umiskor ng 14 kills, 17 points at 13 attacks para patalsikin ang kalaban. Malaki rin ang naging kontribusyon ni MVP Nerissa Bautista na nagbalik buhat sa beach volley tournament ng RP sa Vietnam, makaraang magpakawala ng 19 points para ilampaso ang Lady Tams.

Nagningning rin ang 10 aces sa pinagsamang serves na pinakawalan nina Gustilo at Bautista. Kung ikukumpara, mas malakas at balanse ang scoring ng FEU, gayunpaman, nalaman ng Adamson ang taktikang gagamitin para maungusan ang Tams.

Sinubukang rumesbak ng Lady Tams sa third set subalit hindi sumapat ang pwersa para sustinihan sa lakas ng Falcons sa ligang handog ng Shakey’s Pizza at Cherifer na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ADAMSON

ANALYN JOY

CHERIFER

FAR EASTERN UNIVERSITY

GUSTILO

JAROENSRI BUALEE

JILL GUSTILO

LADY STAGS

LADY TAMS

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with