Jones Cup ang susunod
MEDAN, Indonesia -- Matapos makumpleto ang pananalasa sa SEABA championship makaraang durugin ang host country, nahaharap na ngayon sa tunay na pagsubok ang Powerade Team Pilipinas sa pagsabak nila sa Jones Cup sa susunod na buwan bago ang tunay na laban sa FIBA-Asia championship sa Tianjin, China sa Agosto.
“In doing this (SEABA), we learned a lot in running the system. Now, we’ll go to the Jones Cup where we want to equip ourselves with the zone defense and improve our outside shooting,” pahayag ni coach Yeng Guiao pagkatapos makopo ng Nationals ang tagumpay sa kanilang misyon sa Medan matapos ang 98-68 panghihiya sa Indons.
“We had our share of nervous moments not just in the championship game but the whole tournament. We had to make a major adjustment because we are so used to the PBA system which is deliberate basketball. In international competition, you play players like these guys (in the Seaba) who just go and go,” ani Guiao.
Lahat ng 10 Pinoy na manlalaro ay umiskor ng hindi bababa sa 7 puntos sa balanseng at malagkit na depensang ibingay nila sa Indons.
At para sa kaalaman ng iba, dalawang beses nanalo ang Nationals ng may average na 34.5 puntos na bentahe laban sa Indons na isa sa Southeast Asian team na sasabak sa FIBA-Asia.
Sa kanilang rematch, nakuhang makalapit ng Indons sa unang 17 minuto ng bakbakan sa gitna ng naghihyawang home crowd sa Angkasapura Lanud Basketball Hall.
RP 98 -- Baguio 14, Yap 14, Taulava 11, Miller 10, Santos 10, Dillinger 8, Raymundo 8, De Ocampo 8, Norwood 8, Pennisi 7.
Indonesia 68 -- Sudiadnyana 14, Wuysang 11, Purwanto 11, Sigar 7, Thoyib 6, Poedjakusuma 5, Agustinus 5, Suro 4, Budianto 3, Fitzgerald 2, Wibawa 0, Sumargo 0.
Quarterscores: 22-22, 46-32, 77-49, 98-68.
- Latest
- Trending