MANILA, Philippines – Ipinagyayabang ang pinakahuling karagdagan sa world-class wholesome family entertainment ng SM, tatalakayin ng nila sa ilang miyembro ng media ang pagsisikap nilang mai-promote ang bowling sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng lugar para sa amateur at pro keglers na maipakita ang kanilang talento at kakayahan at magkaroon din ng pagkakataong magwagi ng mga premyo tulad ng kotse at appliances sa Elite Bowling Cup at 9th SM Bowling Cup.
Bukod sa SM executives, dadalo rin ang mga batang players ng Philippine team sa paglulunsad sa press sa June 15 upang maglaro kasama ang mga inimbitang panauhin mula sa media. May tsansang makapaglaro ng libre ang mga dadalo sa bagong lanes at billiard tables hanggang alas-7:30 ng gabi.
Pagkatapos ng media event, idaraos ng SM ang semifinals ng Elite Bowling Cup na tatampukan ng tulad nina 2006 world tenpin champion Biboy Rivera, multiple perfect game winner. Ang laro ay magsisimula bandang ala-una ng hapon.
Ang Elite Bowling Cup ang final leg ng eighth SM Bowling Cup.