Gambalan, Pamintuan kampeon sa Rookie Masters'
MANILA, Philippines – Nakopo nina youth bowlers Van Gambalan at Merlen Pamintuan ang korona sa men’s at ladies’ Rookie Masters ng 38th Philippine International Open Tenpin Bowling Championships sa Paeng’s Midtown Bowl sa Robinson’s Place sa Malate, Manila.
Nagmintis sa pag-iskor ng perfect game si Gambalan sa Game 7 - 289 sa kanyang 10 game series sa finals ngunit nagging sapat na para makopo ang titulo sa kabuuang 2,035 card sa event na hatid ng University of Perpetual Help System, Department of Tourism, AMWAY Philippines at ng Philippine Sports Commission.
Sa kabilang dako, nagrolyo naman ng 10-game series na 1,726 si Pamintuan nang masungkit ang korona sa kababaihan ng kegfest na suportado din ng Chowking, PAGCOR, Colgate-Palmolive Philippines, USAct, Pearl Garden Hotel, Paeng’s Midtown Bowl, Nestle, City Bowling Shop, at Pan Pacific Manila.
- Latest
- Trending