MEDAN, Indonesia -- Habang ipinagdidiinan ni coach Yeng Guiao ang pangangailangan na ma-ging mahusay ang run-and-gun unit, lalong umangat si Cyrus Baguio upang patunayan na puwede siyang maging lethal weapon ng koponan.
Sumingasing si Baguio noong Lunes ng gabi sa kanyang kinana na tournament high 28 puntos upang banderahan ang Powerade Team Pilipinas na igupo ang Singapore, 117-69, upang kumpletuhin ang sweep sa elimination round ng 8th SEABA Championship.
Sa saliw ng tugtugin ng mga awitin ni Nat King Cole tuwing break, tila isang eleganteng ballerina na naglaro si Baguio sa Angkasapura Lanud Basketball Hall na nagpatulala sa mga manonood sa kanyang mga acrobatic drives.
Nagningning si Baguio, miyembro ng Mythical Second Team sa PBA noong nakaraang season sa laban na ito kontra sa Singapo-rean kung saan nag-ensayo lamang ang Nationals na running game.
“The emphasis is to really ingrain the fastbreak concept on the guys whether we’re playing a strong, big team or a small team that’s also quick like Singapore,” wika ni Guiao.
“The important for me is for the team to be consistent with the running game,” dagdag ni Guiao.
Siyam na manlalaro ang nagtrabaho ng husto laban sa Singaporeans nang pinili ni Guiao na maglaro si Mick Pennisi ng pitong minuto para makapagpahinga din ang namamagang binti.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Powerade Team Pilipinas at host Indonesia para sa kampeonato.
Tinalo ng Indons ang Malaysia 74-67 para sa karapatang harapin ang RP-5 sa kampeonato.
Dahil sa pagpasok nila sa SEABA finals nakakuha din ng tiket ang Indons patungo sa FIBA-Asia Championship sa Tianjin, China sa Agosto.
RP 117 -- Baguio 28, De Ocampo 17, Santos 16, Taulava 14, Raymundo 10, Yap 9, Norwood 7, Dillinger 6, Pennisi 6, Miller 4.
Singapore 69 -- Oh 11, Wong 10, Wong 10, Khoo 10, Hong 8, Lin 5, Matialakan 4, Lim 2, Tan 1, Lo 0, Teo 0.
Quarterscores: 33-14, 58-27, 93-49, 117-69.