Margarito nagpaparamdam din
MANILA, Philippines - Isa naman kina Manny Pacquiao, Miguel Cotto at ShaneMosley ang gustong makalaban ni dating WBA welterweight king Antonio Margarito para sa kanyang pagbabalik.
“I have no preference but I want a rematch with Mosley, with Cotto or to fight Manny Pacquiao because Mexico wants a Mexican to beat him and Antonio Margarito is here,” ani Margarito.
Ibinasura ng California State Athletic Commission (CSAC) ang lisensya ni Margarito nang makakita ng matigas na bagay sa kanyang boxing gloves matapos agawan ng WBA welterweight title ni Mosley via ninth-round TKO noong Enero 24
Habang patuloy sa pagpapapansin si American Sugar Shane Mosley kay Filipino boxing superstar, abala naman ang Puerto Rican welterweight champion na si Cotto sa pagsasanay para sa kanyang title defense.
Sa panayam ng Examiner.com kay Cotto kahapon sa The Bronx sa New York City, sinabi ni Cotto na mas tinututukan niya ang kanyang laban kay American challenger Joshua Clottey kesa magparamdam kay Pacquiao.
“I hear all the talk on Pacquiao, but I keep my focus on this fight, on Joshua Clottey,” ani Cotto, nasa Top Rank Promotions ni Bob Arum kagaya ni Pacquiao.
Idedepensa ni Cotto, may 33-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 27 KOs, ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Clottey (35-2-0, 20 KOs) sa Hunyo 13 sa Madison Square Garden sa New York. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending