MEDAN, Indonesia -- Tulad nang inaasahan, nailista ng Powerade Team Pilipinas ang panalo ngunit lumasap ng pilay sa lineup nang ma-injured si Ryan Reyes.
Bagamat 11 players na lang ang maayos ang kalusugan, walang naging problema ang Nationals nang igupo nila ang 100-73 Malaysia, 100-73 sa harap ng nagbubunying manonood sa tila-pugon sa init na Angkasapura Lanud Basketball Hall dito.
Umiskor sina Arwind Santos, Cyrus Baguio, Jared Dillinger, Willie Miller, Asi Taulava at Ranidel de Ocampo all ng double figures nang paglaruan ng Nationals ang Malaysian team na binubio ng mga batang miyembro na lumaban sa FIBA-Asia junior men’ championship sa Tehran, Iran noong nakaraang taon.
Samantala, umaasa si National head coach Yeng Guiao na makakakuha ng magandang break sa draw ng groupings sa 16-team 25th FIBA-Asia men’s championship na gaganapin sa Tianjin at sinabing ang magandang resulta ay makakatulong sa Powerade Team Pilipinas na maabot ang mithiing makakuha ng tiket sa 2010 World Championship sa Turkey.
“The quirks of the draw play a big factor in this competition,” patungkol ni Guiao sa magiging draw na nakatakda sa June 17 na gaganapin din sa Tianjin.
Ang resulta sa nakaraang Asian championship sa Tokushima, Japan ay gagamiting basehan para sa Iran, Lebanon, Korea at Kazakhstan na ipoposteng top seed sa Groups A, B, C at D, ayon sa pagkakasunod.
Ang Iranians, Lebanese, Koreans at Kazakhs ay nagtapos na placed 1-2-3-4 sa Tokushima joust kung saan nagtapos ang Philippines sa unahan ng consolation round makaraang mabigong makapasok sa quarterfinals mula sa “Group of Death” kasama ang Iran, Jordan at China.
RP 100 -- Santos 19, Baguio 16, Dillinger 15, Miller 13, Taulava 11, De Ocampo 10, Yap 8, Pennisi 6, Norwood 2, Raymundo 0, Reyes 0.
Malaysia 73 -- Tong 14, Wee 13, Kuek 10, Loh 7, Yoew 7, Ng 6, Kwaan 5, Chee 4, Ong 3, Chin 2, Koh 2, Heh 0.
Quarterscores: 26-10, 44-27, 74-54, 100-73.