MANILA, Philippines - Para sa mga avid fans ng Oracle Residences, mistulang isang malaking hadlang sa kampeonato ang pag-usad ng Pharex sa Game 5.
Dahil dito, muling nalagay sa bingit ng alanganin ang prangkisa ni Mikee Romero na minsan ng kinabahan sa serye nito kontra Cobra Energy Drinkers,.
Para sa ikapitong titulo, aantabayan ng mga kritiko ang magiging laro ng bataan ni coach Glenn Capacio.
Ang kasagutan sa malaking katanungan ng mga manonood ay mabubunyag ngayon sa huling barahang itataya ng Pharex at Oracle Residences.
Kapwa kumpiyansa na mauwi ang korona, pagsusumikapan ng parehong koponan na manaig sa best of five title showdown ng PBL PG Flex Unity Cup na magsisimula sa alas-3 ng hapon.
Sa makapigil hiningang laban, tatangkain ng Pharex Bidang Generix na maghari sa unang pagkakataon at maglimbag ng kasaysayan. Pinalakas ng pangarap at determinasyon, naikubra ng Pharex ang panalo noong Martes para itulak ang 73-67 kartada na pumwersa sa sudden death match.
"All we need to do is to return with the right frame of mind and we will have a good chance of winning," wika coach Carlo Tan.
"However, if the boys partied after Game Four, thinking that we can easily repeat in Game Five, then we're in deep trouble," dagdag pa nito.
Samantala, pursigidong maipagpatuloy ang dinastiya, hahablutin ng Titans ang momentum para maisulong ang unang titulo ng Oracle Residences sa liga.
Sa pamumuno ng bete-ranong si Rico Maierhofer at key player Mark Barroca, iaangat nila ang kalidad ng laro mula sa pagkabigo sa Batang Generix noong Huwebess.
Tiwala sa tirada ng grupo, muling ipaparada ni Team Manager Eric Arejola ang mga nagbalik na national pool mainstays na sina Barroca, Aldrech Ramos, Mac Baracael at JR Cawaling para tapusin ang karera ng Batang Generix.
Ngunit hindi ganun ka-daling magpapatalo ang Pharex na handang gibain ang lahat ng hadlang para maiuwi ang korona.
"We don't care who we play. We don't care if they play short-handed or what," ani Tan. (Sarie Nerine Francisco)