^

PSN Palaro

Chandler, Purefoods humatak ng do-or-die

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Ipinako ni Marquin Chandler ang dalawang charity shots may 1.2 segundo ang nalalabi ay nalusutan ng Purefoods ang malaking pagbangon ng Rain Or Shine mula sa 24 puntos na pagkakabaon, at umiskor ng 84-82 panalo na nagpuwersa ng sudden death sa kanilang Motolite PBA Fiesta Conference quarterfinals showdown sa Araneta Coliseum kagabi.

Nagkaroon ng tsansa ang Elasto Painters na maiusad ang laro sa overtime ngunit nagmintis ang tira ni Rob Wainright mula sa 18 feet sa pagtunog ng buzzer na nagbigay daan sa Giants na makuha ang laban at pag-asa ng isa pang laban sa season-ending tournament.

“I couldn’t forgive myself had we lost the game,” wika ni Gregorio.

“It’s an ugly win but the important thing is that after 48 minutes, we’re up. That’s the essence of the game,” dagdag ni Gregorio.

Nakaiwas sa knockout blowout, naisaayos ng Giants ang do-or-die na senaryo sa Elasto Painters sa June 14.

Magbabakasyon ang PBA upang bigyan-daan ang partisipasyon ng Po-werade Team Pilipinas sa SEABA championship sa Medan, Indonesia.

“This team has always been a tough match-up for us because we have no man who can single-handedly defend against Jai Lewis. It would take us a lot of hard work on top of skills and talent to win this series,” pahayag ni Gregorio.

Nahaharap sa maagang pagkakasibak, dinomina ng Giants ang Elasto Painters sa tatlong yugto ng laban at nagrelaks sa hulihan na muntik na nilang ikinatalo.

Naghahabol na sa si-mula pa lang, nakadikit ang Elasto Painters sa Giants sa kauna-unahang pagkakataon sa 82-all mula sa low post play ni Lewis kontra kay Don Allado may 21.6 segundo ang nalalabi.

At sa pagkakatalsik ni Allado dahil sa foul, nagkaroon ng tsansa si Lewis na maitulak ang Rain Or Shine ngunit nagmintis din ito sa kanyang freethrows.

At sa krusiyal na break, tumawag ng timeout ang Giants at nagtrabaho ng husto kung saan unang nagdribol si Chandler at umatake ng basket sa closing seconds.

Nagmintis ang tira na yun ngunit humatak ng foul na naglagay kay Chandler sa freethrow na nagpanalo sa Giants.

Samantala, kasaluku-yang naglalaban pa ang Burger King at Sta. Lucia sa sarili din nilang serye habang sinusulat ang balitang ito.

ARANETA COLISEUM

BURGER KING

DON ALLADO

ELASTO PAINTERS

FIESTA CONFERENCE

GREGORIO

JAI LEWIS

MARQUIN CHANDLER

RAIN OR

RAIN OR SHINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with