11 anyos na batang babae sasabak din sa Women's World 10-Ball
MANILA, Philippines – Isang 11 taong gulang na Pinay ang nakapasok sa isa sa qualifying slots para mapasama sa pinakamahuhusay na lady cue masters sa buong mundo na maghahangad sa korona ng JBETpoker.net Women’s World 10-Ball Championship, na magsisimula ngayon sa SM City North Edsa sa Quezon City.
Si Gillian Go, isang pa-ngalan na hindi pa naririnig sa local pool circuit ang isa sa magiging pag-asa ng bansa sa makasaysayang torneo na ito na inorganisa ng Dragon Promotions sa kooperasyon ng JBETpoker.net.
Tinalo ni Go si Hyun Ji-won ng Korea, 7-5 sa deciding match ng second qualifying tournament noong Linggo sa Paeng’s Skybowl sa Robinson Galleria.
Makakasama niya sina 2007 Women’s World 9-Ball runner-up Rubilen Amit, 2008 WPBA Rookie of the Year Iris Ranola at kapwa qualifier na si Mary Ann Basas sa pagbibitbit ng Philippine flag sa limang araw na torneong ito na suportado ng ABS-CBN, SM Mall North Edsa, Magic 89.9, Predator Cues, Takini Billiard Cloth, Aramith, Puyat Sports, The Philippine Star, Bugsy Promotions at kinikilala ng the Billiards and Snooker Congress of the Philippines.
Isusuot din ng Chicago-based na si Zara del Rosario, na mula sa Catarman, Samar, ang RP tricolors, kasama sina Fil-ams model-turned-professional pool player Shanelle Loraine at Jennifer Seaver.
- Latest
- Trending