Yang kampeon sa RP Open Pool Championship

MANILA, Philippines - Sa loob ng limang araw sa pitong laro, perpekto ang laro ni Ricky Yang ng Indonesia.

Kinumpleto ng Indonesian ang perfect run nang igupo si Filipino Jeff de Luna, 11-4 sa finals at mapagwagian ang korona sa Philippine Open Pool Championship noong Linggo ng gabi sa SM Megamall Megatrade Hall 2.

Ang Indonesian ace, malinis sa buong torneo, ay nagpakita ng bangis.

Namuno sa 8-3 at mula rito wala ng naging banta sa kanyang pagkuha ng titulo.

Dahil sa panalong ito, na unang ranking tournament ng World Pool-Billiard Association, naibulsa ni Yang ang pangunahing premyo na $20,000.

Inuwi naman ni de Luna, na ginapi ang kababayang si Demosthenes Pulpul sa semis ang halagang $10,000.

Tumanggap naman sina Pulpul at Lu Hui Chan ng $5,000 sa event na ito na hatid ng Smart Sports, PAGCOR.   

Maganda ang naging panimula ni De Luna nang dalawang beses itong umabante, 1-0 at 2-1 ngunit nagtala ng five rack run si Yang tungo sa tagumpay.

Show comments