^

PSN Palaro

Buenavista, Martes wagi

-

MANILA, Philippines - Dinomina ng mga nationl team members ang Microsoft Internet Explorer 8-Mile Run sa out-and-back course ng kinikilalang sporting hub ng Metro Manila,  Fort Bonifacio Global City, nang manguna sina  two-time Olympian Eduardo Buenavista at dating Asian Marathon Championships silver medalist Christabel Martes sa kani-kanilang dibisyon kahapon.

Mahigit 2,000 runners ang lumahok sa kaera bagamat naging maulan kung saan lahat ng finishers ay napasali sa raffle na may premyong HP Mini Note laptop, HTC Windows Mobile phone,at Microsoft Zune at iba pang minor prizes. 

Hindi lamang ang karanasan ng 30 anyos na si Buenavista ang nagpasiklab para sa magaan na panalo sa men’s Open 12.87 kilometer race kundi ang magandang kondisyon nito para makapagtala ng 43 minuto at 11 segundong panalo at maibulsa ang premyong P8,000.

Pumangalawa naman si Darwin Lim at ikatlo si Bernardo Desamito.

Nakisosyo sa karangalan ang 29 anyos na si Martes nang manguna ito sa kababaihan sa bilis na 51:31 oras na sinundan nina multi-titled Ailene Tolentino at triathlete Monica Torres para sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod sa karerang hatid ng Pocket Rocket, Mizuno at Fitness First, na mabebenipisyuhan ang Child Protection Program of the United Nation’s Children’s Fund o Unicef .

AILENE TOLENTINO

ASIAN MARATHON CHAMPIONSHIPS

BERNARDO DESAMITO

CHILD PROTECTION PROGRAM OF THE UNITED NATION

CHRISTABEL MARTES

DARWIN LIM

FITNESS FIRST

FORT BONIFACIO GLOBAL CITY

METRO MANILA

MICROSOFT INTERNET EXPLORER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with