MANILA, Philippines – Apat na laro sa Philippine Open Pool championship, nanatiiling imakulada si Demostehenes Pulpul.
Si Pulpul, na ang pangala ay mula sa isang dakilang Greek orator, ay humatak ng isa pang malahiganteng upset nang igupo niya ang pibakamahusay na babaeng player sa mundo na si Kelly Fisher, 9-2 at makapasok sa top 8 sa SM Megamall Megatrade Hall 2.
Nakipagkarera sa 3-0 abante si Pulpul, semifinalist sa World Ten Ball championship noong nakaraang taon, at pagmasdan si Fisher na naghahabol.
Si Fisher dating World Women’s 9-ball champion, ay nagmintis ng ilang sargo kabilang ang tatlong krusiyal na oportunidad na magbabalik sa kanya sa laban. Nagmintis ito sa No. 5 sa 8th rack, No. 7 sa 10th at No. 9 sa 11th, na nagbigay kay Pulpul na makalusot.
Nalasap ni Fisher, Great Britain’s No.1 lady player, ang kanyang kauna-unahang kabiguan sa apat na laban at malaglag sa loser’s bracket sa event na ito na hatid ng Smart Sports at PAGCOR.
Napatalsik ang tatlong top rated players noong Biyernes ng gabi--sina world’s No. 1 player na si Ralf Souquet ng Germany, da-ting US Open champion Shane van Boening at dating Asian snooker titlist Marlon Manalo ng Philippines.