^

PSN Palaro

Pulpul pasok sa top 8

-

MANILA, Philippines – Apat na laro sa Philippine Open Pool championship, nanati­iling imakulada si Demostehenes Pulpul.

Si Pulpul, na ang pangala ay mula sa isang dakilang Greek orator, ay humatak ng isa pang malahiganteng upset nang igupo niya ang pibakamahusay na babaeng player sa mundo na si Kelly Fisher, 9-2 at makapasok sa top 8 sa SM Megamall Mega­trade Hall 2.

Nakipagkarera sa 3-0 abante si Pulpul, semifinalist sa World Ten Ball championship noong nakaraang taon, at pagmasdan si Fisher na naghahabol.

Si Fisher dating World Wom­en’s 9-ball champion, ay nag­mintis ng ilang sargo kabilang ang tatlong krusiyal na oportuni­dad na magbabalik sa kanya sa laban. Nagmintis ito sa No. 5 sa 8th rack, No. 7 sa 10th at No. 9 sa 11th, na nagbigay kay Pulpul na makalusot.

Nalasap ni Fisher, Great Brit­ain’s No.1 lady player, ang kan­yang kauna-unahang kabiguan sa apat na laban at malaglag sa loser’s bracket sa event na ito na hatid ng Smart Sports at PAGCOR.

Napatalsik ang tatlong top rated players noong Biyernes ng gabi--sina world’s No. 1 player na si Ralf Souquet ng Germany, da-ting US Open champion Shane van Boening at dating Asian snooker titlist Marlon Manalo ng Philippines.


DEMOSTEHENES PULPUL

GREAT BRIT

KELLY FISHER

MARLON MANALO

MEGAMALL MEGA

PHILIPPINE OPEN POOL

PULPUL

RALF SOUQUET

SHY

SI FISHER

SI PULPUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with