Tolentino, nananalasa
MANILA, Philippines – Humatak ng pinakamalaking upset si Mario Tolentino sa Philippine Open Pool Championship nang pabagsakin nito ang world’s No. 1 player na si Ralf Souquet, 9-6 at manatiling walang talo hanggang noong Miyerkules ng gabi sa SM Megamall Megatrade Hall 2.
Ito ang pinakamalaking upset ni Tolentino sa pangunahing international pool tournament, ngunit para sa Pinoy ay mahaba pa ang daan patungo sa unahan.
“Hindi ako maka-ran out,” ani Tolentino. “Buti na lang laging walang opening si Souquet at hindi rin suwerte sa breaks.”
Nakipagpalitan ng safety shots si Tolentino kay Souquet ngunit nakuha nito ang mas magandang break at walang sagabal na magtungo sa tagumpay.
Sinamahan ni Tolentino ang kababayang si Demosthenes Pulpul at Kelly Fisher ng Great Britain, na nagposte din ng ikalawang sunod na panalo sa torneong hatid ng Smart Sports, PAGCOR.
Si Pulpul ay galing sa magaan na 9-3 demolition kay Kok Hon Keong ng Malaysia, 9-4.
“Suwerte ako sa bola,” wika ni Pulpul, semifinalist sa World Ten Ball Championship noong nakaraang taon.
Inirehistro din ni Jeffrey de Luna ang kanyang ikalawang sunod na panalo para manatili sa winner’s bracket.
TInalo ni De Luna ang kababayang si Jestoni Magadia, 9-2.
- Latest
- Trending