Serye naitabla ng Pharex
MANILA, Philippines – Buhat sa tinamong ka-biguan sa Game 1, pinatunayan ng Pharex na hindi magiging madali para sa Titans ang kampeonato ngayong taon.
Matapos manalo bilang Best Player of the Confe-rence, umarangkada ang Fil-Am cager na si Chris Ross, katulong si Josh Urbiztondo upang buwagin ang momentum ng mabagsik na Titans sa pamamagitan ng 81-72 panalo para itabla ang title series ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup.
Bitbit ang inspirasyon, humablot ng 11 points, 9 rebounds at 8 assists si Ross na tumulak sa mga ka-alyado upang igapang ang unang panalo sa serye. Sa pamamagitan ng 14 points na inilista ni Urbiztondo, naungusan ng Pascual Laboratories ang prangkisa ni Mikee Romero na umangkin ng Game 1.
Sa kawalan ng RP developmental members na sina Mark Barroca, Mac Baracael, JR Cawaling at Aldrech Ramos, naging madali para sa Pharex na agawin ang alas sa Titans.
“We showed up with a lot of energy unlike in Game 1 when we were disoriented,” wika ni Pharex head coach Carlo Tan. “It’s going to be brutal in Game 3. We expect it to be as physical as this game.”
Tulad ng nakasanayan, nagsalpak sina Jerwin Gaco at Benedict Fernandez ng 18 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, animo nakadena ang beteranong si Rico Maierhofer na nagtala ng maliit na 6 points. Sa unang pagkakaton, hindi na nakaporma ang bataan ni Glenn Capacio matapos kontrolin ng Batang Generix ang laban, pumoste ang 6’5 na si Raymond Aguilar para paralisahin ang depensa nina Maierhofer at Edwin Asoro na may 12 puntos na marka.
“Our bench do the small things even if they don’t score and that’s how we measure their contributions and not just the stats,”dagdag pa ni coach Tan. (Sarie Nerine Francisco)
PHAREX 81 - Saladaga 18, Urbiztondo 14, Aguilar 12, Villamin 11, Ross 11, Matias 9, Canlas 3, Faundo 2, Co 1, Bauzon 0, Allera 0, Ebuen 0.
ORACLE 72 - Gaco 18, Fernandez 17, Labagala 10, Timberlake 9, Asoro 6, Maierhofer 6, Nocom 4, Dedicatoria 2, Serios 0, Wilson 0, Tanuan 0, Sanga 0.
Quarterscores: 20-14; 34-26; 62-43; 81-72.
- Latest
- Trending