^

PSN Palaro

'Black Widow' magbabalik

-

MANILA, Philippines - Walong taon makalipas makipaglaban kay Efren ‘Bata’ Reyes sa battle of sexes, magbabalik sa bansa si Jeanette ‘The Black Widow’ Lee upang banderahan ang mga mahuhusay na cast ng lady pool masters mula sa Amerika para lumahok sa makasaysayang Women’s World 10-Ball championship sa June 2-6 sa SM City North EDSA sa Quezon City.

Taong 2001 nang lumaban si Lee kay Reyes sa tinutukang laban. Nanalo si Reyes ngunit humatak naman ng paghanga ang mga Pilipino sa galing at kagandahan ng tinaguriang ‘Black Widow’.

Ang dating top ranked player sa women’s pro tour at kasalukuyang No. 3 woman cue artsist sa mundo ay sasali kasama ang mga pangunahing pangalan mula sa Amerika tulad nina dating USA Junior Champion at ngayon top pro na si Sarah Rousey, Melissa Little, Angel Paglia, Tina Meraglio, Jeannie Seaver, at Kim Jones sa maaksiyon na event na inorganisa ng Dragon Promotions.

Si Seaver ay isang Filipina-American rising star, na nagreyna sa qualifying tournament sa Orlando, Florida at naging una sa 48 players sa main draw ng pinakamalaking sporting event para sa kababaihan ngayong taon dito sa bnasa na suportado ng JBETpoker.net, ABS-CBN, SM Mall North Edsa, Magic 89.9, Predator Cues, The Philippine Star, Bugsy Promotions,at kinikilala ng BMPAP at BSCP.

AMERIKA

ANGEL PAGLIA

BLACK WIDOW

BUGSY PROMOTIONS

CITY NORTH

DRAGON PROMOTIONS

JEANNIE SEAVER

JUNIOR CHAMPION

KIM JONES

MALL NORTH EDSA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with