MANILA, Philippines - Sisimulan ng Powerade Team Pilipinas ang kanilang landas patungo sa World Championship sa Islamabad, Turkey sa susunod na taon, sa kanilang pakikipagharap sa Malaysia sa opener ng SEABA Championship sa Medan, Indonesia sa June 6.
Ang laro ng Nationals sa SEABA ay apat na lang sa pagkawala ng Thailand at Laos. Kakalabanin nila ang host Indonesia sa June 7, Singapore sa susunod na araw at kung walang hahadlang ay lalaruin ang finals sa June 9.
Ang panalo sa SEABA finale ay gagarantiya ng kanilang tiket patungo sa FIBA-Asia championships sa Tianjin, China sa Agosto na magsisilbing Asian qualifier para sa Turkey world meet.
Ang orihinal na iskedyul ng SEABA ay June 6-10 na may anim na koponang kalahok at ang may pinakamagandang record ang idedeklarang kampeon.
Ngunit binago ni SEABA secretary-general Dato Yeoh Cho Hock nang umatras ang Thailand at Laos.
“The change doesn’t really matter to us as we’re confident we have the advantage in the field in terms of talent, athleticism and the size,” wika ni RP coach Yeng Guiao .
“Nakakahinayang lang we’re now playing one less game. For us, the more games we played internationally the better as we’re trying to develop the team’s bonding and chemistry,” dagdag ni Guiao.