^

PSN Palaro

SSC nalo, hinatak ang UST sa semis

-

MANILA, Philippines – Humatak ang San Sebastian ng kapana-panabik na deciding set upang gulantangin ang defending champion Adamson University, 19-25, 25-19, 22-25, 25-19, 15-13, upang hatakin ang walang laro na University of Santo Tomas patungo sa semifinal round ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan kagabi.
Pinagpag ni Thai import Jaroensri Bualee ang masamang porma at umiskor ng 22 hits kabilang na ang match-clinching hit habang tatlo pa ang umiskor ng double digit upang iangat ang Lady Stags sa ikatlong sunod na panalo.

Bunga nito, binitbit ng SSC ang UST sa unang dalawang spots sa semifinal round ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza at ipinipri-sinta ng Cherifer.

Samantala, sa naunang laro, buhat sa malamyang simula, hindi nagpadehado ang Lady Tamaraws ng bulagain ang University of St. La Salle-Bacolod sa pamamagitan ng 23-25, 25-21, 25-20, 25-23 para tugisin ang semifinals seat.

Sa pamamagitan ng crosscut hit ni Maica Morada na pumoste ng 23 all count sa ikaapat na set, naiakay ng Tams sa ikalawang panalo ang grupo.

Ang mahigpit na gwardya kay USLS’ libero Realyn Valeriano ang sumulsi ng kapangyarihan para daigin ang Ilongga.

Para sa Tams, tumapos si Rachel Daquis ng game high 20 point output na kumana ng 5 service points na sinuportahan ni Morada ng 17 hits, habang nalagak sa huling pwesto ang Lady Stingers (0-3) katulad ng USJ-R Jaguars. (Sarie Nerine Francisco)


ADAMSON UNIVERSITY

JAROENSRI BUALEE

LADY STAGS

LADY STINGERS

LADY TAMARAWS

MAICA MORADA

R JAGUARS

RACHEL DAQUIS

REALYN VALERIANO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with