LIPA CITY, Philippines – Handa na ang lahat ng pool players na pina-ngungunahan ni Efren ‘Bata’ Reyes para sa paghahangad na parangal na Manny Villar Cup, sa pagsargo ng Calabarzon leg ngayon sa Activity Center ng SM City –Lipa.
“We’re always doing our best that’s why, as you’ve seen in previous tournaments, it’s been unpredictable and thrilling. And this one is no exception,” ani Reyes, na malugod ng tinanggap ng mga Batanguenos sa kanyang pagdating kasama ang Team Villiards na babandera sa naturang event na ipiniprisinta ni Senator Manny Villar.
Asam ng 55 anyos na Maes-tro na mapaganda ang kanyang semifinals na tinapos sa Isabela Leg na may ambisyong mapagwagian ang leg ng prestihiyosong island-hopping series na co-organized ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines, itinataguyod ng Camella Communities at may basbas ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines.
Makakasama ni Reyes ang mga kapwa niya kilala sa buong mundo na sina newly-crowned International 10-Ball champion Dennis Orcollo, dating world champion Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, at dating leg winners Warren Kiamco, Gandy Valle, Ramil Gallego, Rodolfo Luat at Francisco “Django” Bustamante.
Hindi maidedepensa ni reigning double titlist Roberto Gomez ang kanyang korona dahil kumakampanya pa ito sa Amerika kasama si dating world champion Alex Pagulayan.
Ngunit nananatiling mabi-gat ang labanan lalo na’t puno rin ng mga upcoming stars na mahuhusay tulad nina two-time world juniors campaigner at dating Villards Sipag at Tiyaga Division champ Rene Mar David, Joven Bustamante, Carlo Biado, Ricky Zerna, Jharome Pena, Michael Feliciano, William Millares, Jomar de Ocampo, at Search for the New Billiards Idol grand winner Mike Takayama.
Lalahok din sa event ang anim na umaasang cue artists mula sa probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na nakapasok sa pamamagitan ng Villiards Calabarzon Regional championship na ginanap kahapon.