Pharex pasok na sa final; Oracle naudlot

MANILA, Philippines – Para wakasan ang serye sa best of five series kontra Licealiz, niyanig ng Pharex Batang Generix ang opensa ng kalaban upang tumuntong sa kauna-unahang pagkakataon sa finals ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup kahapon sa San Juan City.

Tumirada ng back to back triples, sa pamumuno ni forward Ronnie Matias at Francis Allera, nakaalma ang Bidang Generix sa paghabol ng Hair Doctors sa huling dalawang minuto ng laban.

Nakagawa ng 16-6 run, umarangkada  ang Generix para ilusot ang 65-62 deficit sa huling pasikat ng Licealiz sa serye.

Sa pamamagitan ng 3-1 kartada, tinapos ng Pharex ang serye makaraang maangkin ang Game1 83-72 kontra sa Licealiz.

“We always tried to improve and stuck with the same players every conference and finally our hardwork paid off,” ani Pharex coach Carlo Tan, na siyang gumiya sa kanyang bataan simula umpisa ng liga.

 Humakot ng mataas na puntos, bumandera si Allera na umiskor ng 17 points sa 3-of 8 shooting mula sa 3 point area.

Bukod dito, sumandal ang Pascual Laboratories team sa likod nina Kojack Melegrito na nag-ambag ng 14points habang bumulsa ng 10 sa kanyang 11 points si Ian Saladaga para palaksain ang opensa

Hindi rin nagpahuli si Matias na nagtala ng double figures matapos magre-histro ng 13 points at 7 rebounds sa 19 minuto ng laro sa unang yugto at sa tulong ng Fil Am cager na si Chris Ross, naipwersa ng grupo ang tiket sa finals.

Sa ikalawang laro, naipuwersa naman ng Pharex ang kanilang serye kontra sa Oracle Residen-ces nang igupo ng Energy Warriors ang Titans, 88-80. (Sarie Nerine Francisco)

Pharex 78 - Allera 17, Melegrito 14, Matias 13, Saladaga 11, Ross 10, Faundo 4, Co 4, Ebuen 3, Canlas 2, Aguilar 0, Urbiztondo 0.

Licealiz 71 - Daa 14, Morial 13, Convento 9, Cruz 9, Vanlandingham 7, Sena 7, Saguindel 5, Hugnatan 4, Espiritu 3, Viray 0, Olarte 0.

Quarterscores: 21-13; 40-35; 58-56; 78-71.

Cobra 88 - Lee P. 30, Cabahug 20, Llagas 16, Espiritu 9, Lingganay 5, Martinez 4, Fampulme 4, Reyes 0, Colina 0, Acuna 0.   

Oracle 80 - Maierhofer 16, Gaco 15, Timberlake 13, Asoro 9, Fernandez 7, Labagala 7, Wilson 6, Nocom 3, Knuttel 2, Serios 2, Sanga 0, Cervantes 0, Dedicatoria 0.

Quarterscores: 21-23; 47-43; 63-67; 88-80.


Show comments