Fil-Am lady pool player pasok sa Women's World 10-Ball

MANILA, Philippines – Muling kinilala ng buong mundo ang galing ng dugong Pilipino sa larangan ng bilyar, makaraang magpasikat si Filipina American Jeannie Seaver matapos pagreynahan ang qualifying tournament sa Orlando, Florida para protektahan ang kanyang tiket sa Women’s World 10 Ball Championship na nakatakdang sumiklab sa June 2-6 sa SM City North Edsa, Quezon City.

 Kabilang ang 7-2 arangkada sa kinatawan ng Guam na si Shanelle Loraine sa finals, sinargo ni Seaver ang lahat ng laban para igapang ang pagiging fourth Filipina na nakapasok sa 48 man main draw ng historic event na itinataguyod ng Dragon Promotions, JBETpoker.net, ABS-CBN, SM Mall North Edsa, Crowne Plaza Galleria Manila at Bugsy Promotions.

 “I’m super super excited about going to Manila for the World Championship! My whole family is thrilled and many of them might come with me,” maligayang pahayag ni Seaver. Gayunpaman, para bumawi sa pagkatalo, naipanalo ni Seaver ang preliminary matches bago dispatsahin ang Guam beauty star na si Loraine,7-2 sa winner’s bracket finals.

Nakalikha na ng sariling titulo si Jeannie Seaver nang maging Top 20 sa Women’s pro Billiards Tour sa USA.

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay nang tanghaling 3x Florida Pro Tour Player of the Year dahil sa mga nakamit na karangalan. Makakasama ni Seaver ang kapwa Fil Am na si Zarah Del Rosario ng Chicago, Illinois, US Open runner up Iris Rañola at ang World 9 ball Championship runner up na si Rubilen Amit para mag-agawan sa pinakaprestihiyosog titulo ng bilyar dito sa Pilipinas. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments