PSC naghahanda na para sa 2009 Laos SEAG
MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang abala at reklamo, inumpisahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paghahanda ng suporta para sa mga atletang sasabak sa darating na 25th Southeast Asian Games sa Laos.
Ayon kay PSC chairman Harry Angping, ipapa-bid na nila ang mga grupong magla-latag ng training at competition uniforms at equipment na ga-gamitin ng delegasyon.
“We will not be late in preparation,” ani Angping. “The training uniform will be bidded out and it will be ready by June. The competition uniform will be bidded out next week and it should be ready by July. And then the other equipment will be bidded out anytime next month and it will be completed by September.”
Kamakailan ay pumalag si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. hinggil sa pag-hingi ni Angping ng listahan ng mga atletang ipapadala para sa naturang biennial meet sa Laos sa Disyembre.
“In short, everything from head to foot, equipment, uniform, competition uniform, will be available and ready by the end of September. And that is three months ahead of schedule,” sabi ni Angping.
Inihayag na ni RP Chef De Mission Mario Tanchangco ng sepak takraw association ang pangalan ng mga 250 qualified athletes para sa 2009 SEA Games.
Naglatag na ang sports commission ng P35 milyon para sa gagamiting pondo ng national contingent.
“Money is not anymore an issue in this discussion. When you have P18 million cash in the bank and you have P28 million coming and you have another P60 million to be collected, what are you talking about now,” wika ng PSC chief.
Ang tinutukoy ni Angping na P18 milyon ng PSC sa bangko ay ang P10 milyon buhat sa Landbank, P6 milyon mula sa National Sports Development Fund (NDSF) at ang P2 milyon galing sa General Appropriations Act (GAA) sa pamamagitan ng Philippine NationaL Bank.
May tatanggapin pang P25 milyon ang PSC mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at P20 milyon sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending