^

PSN Palaro

No. 2 pa rin si Peñalosa sa WBO

-

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Puerto Rican world super bantamweight champion Juan Manuel Lopez, naupo pa rin si Filipino two-world division titlist Gerry Peñalosa sa No. 2 sa World Boxing Organization (WBO) rankings ngayong Mayo.

Ang paglalagay ng WBO sa 36-anyos na si Peñalosa sa No. 2 sa super bantamweight list ay mula na rin sa ipinakita ni “Fearless” sa kankilang upakan ng 24-anyos na si Lopez.

Bagamat isinuko ni American trainer Freddie Roach ang nasabing laban sa 11th round, nakakuha pa rin ng papuri si Peñalosa mula kay WBO president Francisco “Paco” Valcarcel.

Nabigo si Peñalosa na makuha ang kanyang ikatlong world boxing crown nang matalo kay Lopez sa kanilang WBO super bantamweight championship noong Abril 25 sa Bayamon, Puerto Rico.

Dahil sa pagbakante ni Peñalosa ng kanyang dating suot na WBO bantamweight belt para hamunin si Lopez, tuluyan nang ipinagkaloob ng WBO ang nasabing titulo kay Mexican Fernando Montiel.

Nakatakdang sagupain ni Montiel, tinalo na si Filipino Z “The Dream” Gorres, si Eric Morel, isang dating World Boxing Association (WBA) flyweight at International Boxing Association (IBA) super flyweight king, sa June 27 sa Atlantic City, USA.

Sinabi ni Peñalosa na nakahanda siyang hamunin ang mananalo sa pagitan nina Montiel at Morel.

Balak naman ni Montiel na makatagpo si Vic Darchinyan, inagawan ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight belts via fifth-round TKO noong Hulyo ng 2007, para sa isang unification fight. (Russell Cadayona)

ATLANTIC CITY

ERIC MOREL

FILIPINO FLASH

FILIPINO Z

FREDDIE ROACH

GERRY PE

INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

LOPEZ

MONTIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with