Finals target ng Oracle

MANILA, Philippines – Buhat sa dalawang araw na pamamahinga, inaasahang mas malakas na puwersa ang ipapamalas ng nangungunang Oracle Residences sa muli nitong pakikipagbuno sa Cobra Energy Drink sa Game 3 para tuluyang nang wakasan ang serye at umusad sa finals ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan Gym.

Matapos ang 76-78 panalo sa Game 1, naglapat ng matitinding estratehiya si Titans coach Glenn Capacio sa 78-73 win nito sa Game 2 para iposte ang 2-0 bentahe.

Subalit hindi nakuntento ang FEU mentor sa ginawang pagtapos ng Titans sa Warriors sa huling dalawang laban.

“We have to learn how to finish the game well,” ani Capacio. “We can’t afford to relax, especially playing against Cobra. They’re very dangerous.”

Sa pagsunod sa yapak ng sister team na Batang Pier, tinatayang gagamitin ni Rico Maierhofer ang height advantage nito para magtala ng mataas na rebounding scores para tuluyang mabulilyaso ang laro ng Cobra.

Bukod kina Maeirhofer, isang malaking hadlang sa Energy Warriors ang nagbabalik na si Jerwin Gaco at 6 foot 3 Edwin Asoro na sumiklab sa nakalipas na pagtatagpo.

Samantala, ang maak-syong sagupaan sa pagitan ng Licealiz Shampoo at Pharex Batang Generix ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon.

Inangkin ng Hair Doctors ang Game1 mula sa pinagsamang produksyon nina Lance Convento, Josh Vanlangdingham, Jervy Cruz at Dino Daa habang ang Bidang Generix ng Pascual Laboratories tumipa ng panalo sa 82-73 win.

Para sa kampo ng Pharex, nagsalpak ang Fil Am na si Chris Ross ng kanyang second triple-double performance sa liga ng umiskor ng 20 points, 14 rebounds at 10 na siyang nagbigay nominasyon sa pagiging MVP.

Sa kabila ng presensya nina Cruz, James Sena at Dino Daa, nakapagtala rin ng 15 boards sa semis si Ross.

Sa kabilang banda, kinakailangang mapigilan ang pagbulusok ng Cebuanong si Ian Saladaga at Ronnie Matias na aarangkada para maiabante ang tropa sa Finals.

“We have to be consistent with what we’re doing, especially on our defense. We should be more aggressive. We should not be contended with this win, we have win more games,” wika ni Pharex coach Carlo Tan. (Sarie Francisco)


Show comments