Peping inaasahan na ang paninisi

MANILA, Philippines - Sa nangyayaring gusot sa ilang National Sports Associations (NSA)s, aminado si Phi­lippine Olympic Com­mittee (POC) president Jose “Peping” Co­juang­co, Jr. na magkakaroon na naman ng sisihan pag­katapos ng 25th Southeast Asian Games sa Laos.

Maliban pa ito sa sinasabi ni Cojuangco na panggigipit ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanyang mga kaalyadong National Sports Associations (NSA)s.

Sakaling hindi su­portahan ng PSC ang nasabing mga NSAs, sinabi ni Cojuangco na hihingi siya ng tulong sa private sector para pon­dohan ang mula 60 hanggang 100 atletang kanilang pipiliin para sa 2009 Laos SEA Games.

“Maganda siguro kahit na 60 o 100 ang magpunta doon pero kung 80 sa kanila ang magmedalya, sa tingin ko hindi na kahiya-hiya ang mga Pilipino,” sabi ni Cojuangco. “At pag­ka­tapos ay hindi na nila kami puwe­ deng sisihin.”

Kamakalawa ay si­nabi ni PSC chairman Harry Angping na ina­asahan na niyang hindi magiging maganda ang kampanya ng Team Phi­­lippines sa 2009 Laos SEA Games da­hilan sa kabiguan ng POC na resolbahan ang internal disputes sa ilang NSAs.

Kabilang sa mga NSAs na nabigong ayu­sin ng POC ay ang badminton, wushu, wrestling, swimming, cycling, billiards at equestrian, ang asosasyon ni Co­juangco.

Dinala na ng nasa­bing mga NSAs na nagrereklamo sa paki­ ki­alam sa kanila ni Cojuangco ang usapin sa Court of Arbitration for Sports, nasa ilalim ng International Olympic Committee (IOC). (Russell Cayadona)

Show comments