Do-or-die game

MANILA, Philippines – Bunga ng pagkakapanalo ng Lady Stags sa nakaraang laban, nalagay sa bingit ng ala-nganin ang defending Champion Adamson University na siyang makakaharap ng nagtatanggol na Ateneo OraCare para sa sudden match ng 6th Shakey’s V-League sa The Arena San Juan City.

Sa pang-alas kuwatrong bakbakan, pupuntiryahin ng Adamson ang huling pwesto sa semis.

Subalit hindi rin mapipigilan ang pagsiklab ng Lady Eagles na pursigidong makapaghiganti buhat sa pitong kabiguang natamo nito sa Falcons, kabilang na ang pagkatalo sa inaugurals, 25-20, 25-19, 25-18 noong Abril 19.

Sa huling laban ng serye, ipaparada ng Ateneo ang Thai Import na si Keawbundit Sontaya na inaasahang magdadala ng panalo sa tropa.

Palalakasin rin ng Lady Eagles ang puwersa nina alumna Charo Soriano, Kara Acevedo, Fille Cainglet, Misha Quimpo, Angeline Gervacio, Gretchen Ho at Jamenea Ferrer na nabigo sa depensa ng FEU noong nakaraang Linggo.

Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng pamumuno ni MVP Nerissa Bautista, determinado ang Falcons na muling paluhurin at tuluyan ng ilaglag ang Ateneo sa liga.

Pinaigting ng AdU ang reception at depensa ng tropa para angkinin ang huling pwesto sa semis at makapaglaro kasama ang San Sebastian, University.of Sto. Tomas, FEU, University of San Jose Recoletos at St. La Salle Bacolod sa single round quarters phase.

Sa tulong nina Paulina Soriano, Rissa Jane Laguilles Jill Gustillo, Joanna Carpio at Angela Benting, determinado ang bataan ni Dulce Pante na magtagumpay.

Samantala, para pakitaan ang Manila squads, magtatagisan ng galing ang top provincial teams na USLB at USJR sa alas- 2 ng hapon. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments