MANILA, Philippines - Top seed si reigning two-time Villar Cup champion Roberto Gomez sa pagsisimula ng 9th Annual Predator International 10-Ball Championship knockout stage ngayon sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas.
Isang kagila-gilalas na panalo ito para sa 30 anyos na si Gomez. Na maglalaro sa kauna-unahang pagkakataon dito sa US circuit na natalo lamang ng tatlong racks sa kanyang unang tatlong laban dito sa event na inorganisa ng Dragon Promotions na magbibigay ng premyong $86,000.
“I’m very happy with my performance,” anang ipinagmamalaki ng Zamboanga City . “But I know that I still have to step up game in the knockout phase and even though I’m the top seed, I still have to win five matches just like everybody else.”
Binuksan ni Gomez ang kanyang kampanya sa prestihiyosong event na ito na may nakalaang $20,000 pangunahing premyo sa pamamagitan ng 10-0 panalo kay Matt Krah, na sinundan ng 10-2 pamamayani kay top West Coast pro Max Eberle, bago hiniya si US No.5 Charlie Bryant.
Isa lamang si Gomez sa 16 na players na nakapasok sa Last 32 sa pamamagitan ng winner’s bracket. Sina dating world champion Alex Pagulayan at Warren Kiamco ang dalawa pang Pinoy na naka-sweep ng kanilang unang tatlong laban.
Ang kalahati ng Last 32 ay magmumula naman sa one-loss side at sa kasalukuyan, habang sinusulat ang balitang ito, nakikipagtagi-san sina dating world No. 1 Dennis Orcollo kay Jeremy Sossei, Ramil Gallego kontra kay US pro Charlie Williams.