^

PSN Palaro

Pati sa sabong milyon ang napagwagian ni Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Maging sa sabong ay hindi patatalo si Manny Pacquiao.

Tinanghal na kampeon sa sariling “Pacman 330K Big Event; 7-cock derby noong Miyerkules at nakapag-uwi ng P18M panalo.

Nakapagposte ng pitong panalo ang manok ni Pacquiao na pinangalanang MPBR Queen Elizabeth sa maraming laban at tanghaling kampeon sa pinakamalaking derby.

At sa kabuuang P18M premyo, P4.5M ang napagwagian ni Pacquiao at ang iba ay napunta naman sa malapit niyang kaibigan mula sa Ilocos Sur na si National Security consultant Chavit Singson na nakapagposte ng anim na panalo at isang talo.

Halos alas-5 na ng umaga ng matapos ang derby at masayang lumabas ng San Juan Coliseum si Pacquiao tulad nang lumabas ito sa MGM Grand noong Mayo 2.

Sinabi ng adviser ni Pacquiao na si Wakee Salud ng Cebu, mahigit sa P30M ($625,000) ang napagwagian ni Pacquiao sa derby. At kinumpirma ng isang miyembro ng Team Pacquiao ang halagang ito.

“Mahigit (More than) P30 million,” aniya.

Ngunit pinabulaanan naman ito ng kaibigan ni Pacquiao na si Jake Joson.

“There were other losses. He had a number on entries and entry fee was around P350,000 per cock. And he also bet on those entries. I guess P15 million to P18 million is the safe number,” wika ni Joson.

Ayon sa ulat may P4.5M si Pacquiao patungo sa derby’s final match.

Ngunit nang kumpirmahin ito kay Pacquiao, tumawa lamang si Pacquiao bilang sagot.

Gayunpaman, P15M man o P18M ito, malaking pera pa rin ito, pero para kay Pacquiao barya-barya lang ito kumpara sa kanyang napagwagian sa ibabaw ng ring. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BIG EVENT

CHAVIT SINGSON

ILOCOS SUR

JAKE JOSON

NATIONAL SECURITY

NGUNIT

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with