Calderon, Reynante, humarurot sa akyatan
LA TRINIDAD, Benguet, Philippines -- Nagpakita ng husay sa akyatan sina Joel Calderon at Lloyd Reynante upang magtapos na 1-2 sa Ilocos-Benguet ride at tanghaling men-to-beat sa Baguio-to-Baguio stage ngayon ng 2009 Padyak Pinoy tour of Champions.
Nanatili sa pulutong si Calderon mula sa Vigan,Ilocos Sur hanggang Bauang, bago nagpa-kawala ng buong lakas sa akyating Naguillan road at maungusan ang lahat tungo sa solong pagtawid sa maulan na kapitolyo ng Benguet na kilalang ‘Salad Bowl of the Philippines”.
Tunay na basa at ma-dulas ang pagtatapos na prinotesta ng maraming riders dahil sa pagkawala ng tamang oras at nakakalitong direksiyon ng penutimate tage na ito.
Mismong sina Calderon at Reynante ay nagkamali sa pagliko patungo sa La Trinidad, at bumiyahe ng halos 1,000 metro bago napagsabihang mali ang tinatahak na ruta.
Sa kasamaang palad, ang sumunod na grupo na kinabibilangan ni dating champion Arnel Quirimit na hindi rin nakuha ang tamang direksiyon at pumedal ng mas mahaba at mahirap na ruta na naging sanhi ng kanyang paglaglag.
Ang mahaba at nakakapagod ang penultimate stage ay naghiwalay sa mga tunay na contenders at nagresulta ng malaking pagyanig sa overall individual standings.
Isinurender ni Santy Barnachea ang “MVP” yellow jersey bago pa man ang pag-akyat sa Benguet nang lumasap ito ng flat tire at hirap na makatapos dahil sa mabigat na gulong na ipinalit.
Ang limang araw na overall leader na si Barnachea , na tumapos ng may 16 minuto at 22 segundo sa likuran ng stage winner ay bumagsak mula sa unahan pababa sa No. 10.
Mali naman ang taktika nina Eric Feliciano at Baler Ravina, ang pinapaborang rider sa akyatin nang agad silang umatake sa flat road at maubusan ng enerhiya nang paakyat na sila sa Naguillan.
- Latest
- Trending