Barnachea nakakapit pa rin
VIGAN, Philippines -- Hinablot ng di-gaanong kilalang riders ang karangalan habang suot pa rin ni Santy Barnachea ang ‘MVP’ yellow jersey, na inirereserba ang lakas sa ultimong pagsubok sa kabundukan ng Benguet sa huling dalawang yugto ng 2009 Padyak Pinoy Tour of Champions.
Nagtapos sina American Vinyl teammates Lloyd Bersame at Ronnel Hualda ng una at ikalawang puwesto sa 160km Vigan-Laoag-Vigan race na hindi man lang yumanig sa overall individual; standings.
Nagpapakiramdaman naman ang bawat isa kina Barnachea at mga kadikit niya sa main pack, at hindi dumidistansiya bago ang penultimate stage na magdadala sa kanila sa unang akyatin sa Baguio via Naguillan.
Para sa mga riders, paborito dito sina Baler Ravina at Eric Feliciano sa huling dalawang yugto na maaaring magdetermina sa kokoronahang kampeon ng 8-stage summer cycling event na ipiniprisinta ng Tanduay at hatid ng Air21 at Smart-PLDT.
“Nobody made a move today. Everybody just warmed up for the Baguio battle. That’s the moment of truth for us,” ani Barnachea.
Ang dating two-time tour champion ang nagsabing pinakamalaking banta sa kanya sina Ravina at Feliciano pero hindi niya babalewalain ang sari-ling husay sa akyatin.
“I’ve placed second in Baguio-Baguio stage three times already so they can’t take me for granted. If I were in top shape I’d be a serious threat,” ani Barnachea, na first runner-up sa killer stage noong 1998, 2005 at 2006.
Kasama sa Top 10 patungo sa Benguet ngayon sina Barnachea, Feliciano, na may isang minuto at 30 segundo ang layo, Oscar Rindole (two minutes off), Ravina (2:17), Lloyd Reynante (2:44), Joel Calderon (2:55), Renato Sembrano (3:19), Warren Davadilla (4:29), Hualda (5:26) at Nicardo Guanzon (5:39).
- Latest
- Trending