^

PSN Palaro

Lady Stags pasok sa quarters

-

MANILA, Philippines – Sa umaatikabong salpukan, naitaguyod ng San Sebastian ang bandera matapos payukurin ang Far Eastern University sa iskor na 25-17, 25-20, 25-16 para umusad sa quarterfinals ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City kahapon.

Tulad ng inaasahan, humagupit ang mga tirada ng Thai import na si Jaroensri Bualee na nagtala ng game high 23 hits kabilang ang apat sa huling 6 na puntos kasama ang drop shot para sa SSC.

Nilimas ni Laurence Latigay ang kalaban matapos pumalo ng 17 points kabilang ang 15 hits para sa larong tumagal ng isang oras at 7 minuto.

“Our team is slowly starting to gel and our game is definitely getting stronger,” ani San Sebastian coach Roger Gorayeb.

Mabisa ang solid net defense na ginamit ng Lady Stags para maungusan ang top hitters ng FEU, daan para mapanis ang 3 kills na ambag ni guest player Rachel Daquis ng FEU.

Kapwa pasok na sa semis ang SSC at UST na may 5-1 karatda, habang patuloy ang pakikipagtunggali ng FEU, AdU at Ateneo OraCare para makaabante sa next round ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

Samantala, sa pagbubukas ng laban, matayog na nilipad ng Lady Falcons ang panalo para igapang ang tiket sa semis makalipas na palasapin ng masaklap na kabiguan ang University of the Phils. sa isang straight set win ng torneong suportado ng Accel, Mikasa at OraCare.

Bukas, nakatakda ng wakasan ng mas magaling na grupo ang huling araw ng elims.

Tagisan ng tibay ang masasaksihan sa pagitan ng Lady Falcons at Stags, dakong alas-6 ng gabi. (SNF)


FAR EASTERN UNIVERSITY

JAROENSRI BUALEE

LADY FALCONS

LADY STAGS

LAURENCE LATIGAY

PARA

RACHEL DAQUIS

ROGER GORAYEB

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with