MANILA, Philippines – Minalas si dating world No. 1 Dennis Orcollo sa serye ng breaks at yumuko kay dating world champion Mika Immonen, 8-4 sa quarterfinals ng 2009 PartyPoker.net World Cup of Pool kahapon sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Matapos makaiskor ng 8-3 panalo kay Canadian Tyler Edey sa opening round, tila minalas na si Orcollo at hindi makuha ang laro kontra kay Immonen, na sinamantala naman upang makausad sa semifinals ng $66,000 event na ito.
Si Immonen, runner-up kay Alex Pagulayan noong nakaraang taon, ay nanalo sa lag at mabilis na nakipag-habulan sa 3-0 abante.
Ngunit nabigo ang Pinoy na ilaglag ang bola sa kanyang break sa ikalimang frame na nagbalik ng mesa sa Finn.