MANILA, Philippines - Magaang na tinalo ni dating world No.1 Dennis Orcollo si Canadian Tyler Edey sa bisa ng kanyang 8-3 panalo para umabante sa second round ng 2009 PartyPoker.net World Pool Masters ka hapon sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Mula sa malamyang simula kung saan pumal tos ang isang 2-9 combination, bumawi naman si Orcollo sa pagpapakita ng magandang tumbok sa naturang $66,000 event na nagtatampok sa 16 sa pinakamahuhusay na cue artists sa mundo.
“It’s a good start, my pocketing and cueing were good and I was able to take advantage of my opponent’s mistakes,” wika ng 30-anyos na Pinoy na nag-iisang nagtataguyod sa kampanya ng bansa matapos masibak si defending champion Alex Pagulayan noong Sabado.