Playoff sa quarters nasikwat ng FEU belles

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng araw ng mga ina, nabig­yan ang Lady Tams ng ma­gandang regalo ma­ka­raang hawiin ang de­fending champion na Adamson sa nakakasur­presang 25-22, 25-21, 25-17 panalo para iseguro ang pwesto sa quarter­fi­nals ng Shakey’s V-Lea­gue kahapon sa Blue Eagle Gym.

Taliwas sa inaasahan, mabilis na nadomina ng FEU ang laro na tumagal lamang ng 1 oras at 12 mi­nuto.

Binanderahan ni Mai­ca Morada ang FEU sa kanyang inilistang 14 hits, habang nagpasikat na­man si Shaira Gon­zales na pumalo ng 10 points para tuluyan ng pa­lubugin ang Lady Falcons.

Sa pinakitang laro ng Lady Tams, determinado ang grupo na madaig ang kalaban sa unang bahagi pa lang ng laro, agad na pinagtuunan ng pansin ng FEU ang pan­tapat na play sa matinding depensa ng Adamson, para makasunod sa San Sebastian at iuwi ang 4-1 baraha sa ligang hatid rin ng Shakey’s Pizza.

Samantala, maaga na­mang nasungkit ng three time champion, UST ang pwesto sa susu­nod na round, hawak ang 5-1 kartada. 

Sa pinagsamang 17 hits produksyon nina Rachel Daquis at guest player Mayette Carolino, kabilang ang 7 points ni Cherry Vivas, makaka­sa­gupa ng Lady Tams ang determinadong SSC sa bakbakang masa­sak­sihan bukas para sa tor­neong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Accel, Mikasa at Ora­Care.

Para sa AdU, pina­ngunahan ni Angela Ben­ting ang koponan ng mag-ambag ito ng 11 points. Nailuklok sa pwesto ang tropa tangan ang 3-2 rekord. (Sarie Nerine Francisco) 

Show comments