^

PSN Palaro

Cobra lusot sa Magnolia

-

MANILA, Philippines – Kinumpleto ni Paul Lee ang natatanging four-point play sa krusiyal na bahagi ng laban upang tulungan ang Cobra Energy na igupo ang Magnolia Purewater, 74-67 sa Game 1 ng kanilang quarterfinal series sa PBL PG Flex Unity Cup na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nalimita sa tatlong puntos sa unang dalawang quarter, nagpasabog ang 5’11 na si Lee ng 15 puntos sa pinal na bahagi ng labanan, kabilang na ang siyam sa payoff period para makumpleto ang pagba-ngon ng koponan.

Naghahabol sa 51-57 sa pagtatapos ng ikatlong yugto, nagbagsak ng 11-0 ang Energy Warriors na tinampukan ng four-point play ni Lee at isa pang tres ni James Martinez ang naglagay sa Cobra sa unang 67-62.

Ang kabayanihan ni Lee ay kinumpleto ng steal ni Eder Saldua para iselyo ang panalo sa 71-64 may ilang tikada na lang ang nalalabi.

Maaaring makuha ng Cobra ang ikaapat at hu-ling semifinals berth kung mananalo sila sa Martes.

Samantala, para makumpleto ang grand sweep ng Nokia National Basketball Training Center (NBTC)D-League, matagumpay na naigupo ng Smart Sport-Manila ang maliliit na Davaoeño, 101-60.

Ang panalong ito ay ang ika-13th straigth win ng Manila mula sa NCR Elims ng torneong suportado ng Nokia Philippines at TAO Corporation sa ilalim ng pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangangasiwa ni Manny Pangilinan. (Sarie Nerine Francisco)


COBRA ENERGY

EDER SALDUA

ENERGY WARRIORS

FLEX UNITY CUP

JAMES MARTINEZ

MAGNOLIA PUREWATER

MANNY PANGILINAN

NOKIA NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER

NOKIA PHILIPPINES

PAUL LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with