Kahit bagyo sasagasaan ng Padyak Pinoy
MANILA, Philippines – Wala nang makakahadlang sa pagpedal ngayon ng 2009 Padyak Pinoy Tour of champions road cycling competition kahit na bumabagyo pa.
Ito ang naging desisyon matapos ang ilang konsultasyon ng organizing Dynamic Outsource Solutions, Inc, sa race sponsors, officials at maging ng mga siklista.
“ While we all pray for Typhoon ‘Emong’ to weaken or dissipate, our primary concern is for the provinces threatened by this storm and hope that they are spared of the typhoons effects,” ani Tour organizer Gary Cayton, Dos-1 president.
“Any adjustments, changes of schedule and re-routing schemes in the race, if necessary, will be decided upon by the organizing committee during their two-day stopover in Apalit, Pampanga.”
Binigyan ng kumpiyansa ng major sponsors na binubuo nina LGC chairman Bert Lina at top officials ng Tanduay, Smart, Air21 at Wow Magic Sing, ang organizer na ituloy ang karera sa ilang nalalabing araw na dapat ay bahagi pa ng tag-araw.
Nakipagpulong din siya sa ilang opisyal ng PAGASA para madetermina ang direksiyon na tatahakin ng bagyong “Emong” sa araw kung saan maaaring maapektuhan ang ruta ng karera.
Samantala, nanawagan din ito sa mga host cities ng 8-stage Tour na magsisimula ngayong alas-8 ng umaga sa The Fort (Taguig City) patungong Apalit, Pampanga ang Stage 1.
“We should be able to proceed with the first stage which leaves Metro Manila and heads off to Apalit, Pampanga today and be finished by mid-day of the same day. Adjustments, if any, will be planned in Pampanga.” wika ni Cayton.
May 15 teams na lalahok sa Padyak Pinoy na binubuo ng mga piling-pili na siklista sa bansa.
Maging ang Visayas at Mindanao team ay nasa Maynila na kagabi pa lamang.
Samantala, magbibigay ng karagdagang P50,000 sa prem-yo ng individual overall champion si Smart-PLDT chief Manny V. Pangilinan.
Dahil dito may kabuuang P100,000 ang iuuwi ng magkakampeon.
May dagdag ding P5,000 ang stage winners ng walong stage ng karera kaya aabot sa P10,000 ang isusubi ng lap winner. Ang yellow jersey, simbolo ng overall leader sa individual general classification ay papangalanan ding MVP Yellow Jersey.
- Latest
- Trending